Pagdiriwang sa 15 taon ng Street View

Nagsimula ang Street View noong 2007 bilang mapangahas na ideyang gumawa ng 360-degree na mapa ng mundo. Mula noon, sama-sama tayong nakakuha ng mahigit 220 bilyong larawan at 10 milyong milya sa 100 bansa at teritoryo.
Dito, na-explore mo ang kalawakan, ang karagatan, at ang mga nakakamanghang lugar sa pagitan ng mga ito at sa bawat pagkakataon, natutuklasan mo ang daan pauwi.

Pagbabalik-tanaw sa pambihirang paglalakbay

May mapangahas na ideya si Larry Page: "Paano kung gumawa tayo ng 360-degree na mapa ng mundo?"
Isipin mo! Inilunsad ang mga unang larawan ng Street View sa limang lungsod sa US.
Nagpepedal ang mga Street View trike para kumuha ng mga larawan sa mga daang bawal ang sasakyan.
Sinuong ng Street View snowmobile ang Whistler slopes.
Kinukunan ng mga underwater na camera ang kagandahan ng Great Barrier Reefs.
Sa Programa sa Pagpapahiram ng Trekker, makukunan ng mga third-party na partner ang kanilang mundo sa Street View.
Magiging available ang historic imagery para tulungan kang i-explore ang mundo ng kasalukuyan – at nakaraan.
Nilibot ng Street View ang Liwa desert sakay ng camel.
Puwede mo na ngayong maranasan ang Street View sa VR.
Nag-rappel kami sa ilalim ng Earth papasok sa isang aktibong bulkan sa Vanuatu
Puwede ka na ngayong mag-explore sa mga 4,000-year-old na archaeological site sa "tuktok ng mundo".
Kumuha ang mga astronaut sa ISS ng top-down view ng Earth.
Kapag nag-upgrade sa Trekker, mas tataas ang resolution ng mga larawan at mas gagaan ang dala.
Inimbitahan kami ng Mars Institute na maglibot-libot sa "Mars on Earth".
Nakakatulong sa iyo ang paglulunsad ng Live View na mag-navigate nang may mga direksyon sa ibabaw ng mundo mo.
Triple digit na ang Street View, may ganito na sa 102 bansa at teritoryo.
2004
2007
2008
2010
2012
2013
2014
2014
2015
2017
2017
2017
2018
2019
2019
2022
0

Ano'ng bago sa Street View?

Inilulunsad na: Mag-time travel

Inilulunsad na: Mag-time travel

Makikita mo na ngayon ang mga pagbabago sa mga lugar sa paglipas ng panahon gamit ang historical imagery ng Street View sa Google Maps app.

I-download ang Google Maps app

Ang 15 paborito naming view

Ang 15 paborito naming view

Mula sa Mongolian Ice Festival hanggang sa mga lumulutang na bahay sa Lake Titicaca, mag-enjoy sa ilan sa mga nakakamanghang tanawin sa ating mundo.