Mga source ng photography
Nagmumula ang mga larawan sa Street View sa dalawang source, ang Google at ang aming mga contributor.
Ang Aming Content
Kinikilala sa mga content na pagmamay-ari ng Google ang “Street View” o “Google Maps.” Awtomatiko naming binu-blur ang mga mukha at plate number sa aming koleksyon ng imahe.
Content na mula sa ibang contributor
Ang content na mula sa user ay may kasamang naki-click/nata-tap na pangalan ng account, at sa ilang sitwasyon, larawan sa profile.
Paano ibinibigay sa iyo ng Google ang Street View
Para makapagbahagi ng koleksyon ng imahe ng Street View, nagsusumikap nang husto ang aming engineering team sa likod ng camera. Narito ang isang sulyap para bigyan ka ng ideya kung ano ang ginagawa ng team para magamit mo ang Street View.
-
HAKBANG 1
Pangongolekta ng mga larawan
Una sa lahat, kailangan muna naming magmaneho sa paligid at kunan ng larawan ang mga lokasyong ipapakita sa Street View. Masusi naming tinitingnan ang maraming salik, kasama na ang panahon at ang density ng populasyon ng iba't ibang lugar, para matukoy kung kailan at saan kami maaaring mangolekta ng mga posibleng pinakamagandang koleksyon ng imahe.
-
HAKBANG 2
Pag-align sa koleksyon ng imahe
Para itugma ang bawat larawan sa heograpikong lokasyon nito sa mapa, pinagsasama-sama namin ang mga signal mula sa mga sensor sa kotse na sumusukat sa GPS, bilis, at direksyon. Nakakatulong ito sa amin na muling buuin ang eksaktong ruta ng kotse, pati na rin i-tilt at i-realign ang mga larawan kung kinakailangan.
-
HAKBANG 3
Gawing mga 360 na larawan ang mga larawan
Para maiwasan ang mga gap sa mga 360 na larawan, kumukuha ang magkakatabing camera ng bahagyang nag-o-overlap na mga larawan at pagkatapos ay ‘pinagtatahi-tahi’ namin ang mga larawan sa iisang 360 degree na larawan. Pagkatapos, naglalapat kami ng mga espesyal na algorithm para sa pagproseso ng larawan para mabawasan ang mga ‘seam’ at makagawa ng mga maayos na transition.
-
HAKBANG 4
Pagpapakita sa iyo ng tamang larawan
Sinasabi sa amin ng bilis ng reflection sa mga surface ng tatlong laser ng kotse ang layo ng isang gusali o bagay, at nagbibigay-daan ito sa amin na makabuo ng mga modelong 3D. Kapag lumipat ka sa isang lugar sa kalayuan, tinutukoy ng modelong 3D ang pinakamagandang panorama na ipapakita sa iyo para sa lokasyong iyon.

Mga pupuntahan namin
Nagmamaneho kami sa maraming bansa gamit ang kotse ng Street View para makapagbigay sa iyo ng koleksyon ng imahe na magpapaganda sa karanasan mo at tutulong sa iyong tuklasin ang mundo sa paligid mo. Tingnan ang listahan ng mga bansa kung saan kami susunod na magmamaneho o magte-Trek.
Rehiyon | Distrito | Oras |
---|---|---|
{[value.region]} | {[value.districts]} | {[value.datestart| date:'MM/yyyy']} - {[value.dateend| date:'MM/yyyy']} |
Dahil sa mga salik na hindi namin kontrolado (panahon, mga pagsasara ng kalsada, atbp), palaging posibleng hindi tumakbo ang aming mga kotse o maaaring magkaroon ng mga kaunting pagbabago. Tandaan din na kapag tinukoy sa listahan ang isang partikular na lungsod, maaaring kasama rito ang mas maliliit na lungsod at bayang nasa distansyang namamaneho.
Mga napuntahan namin
Ipinapakita ng mga asul na lugar sa mapa kung saan available ang Street View. Mag-zoom in para sa higit pang detalye o i-browse ang content na ito gamit ang aming mga website at app.
Ang sariling mga sasakyan ng Google para sa Street View
I-browse ang aming mga sasakyan para sa Street View.
-
Kotse ng Street View
Malayo na ang aming narating mula noong una naming paglulunsad sa U.S. noong 2007; ngayon, pinalawak namin ang aming mga 360 na larawan para isama ang mga lokasyon sa lahat ng pitong kontinente.
-
Trekker ng Street View
Nagbibigay-daan sa Street View ang Trekker na magtampok ng higit pang lugar sa buong mundo — mga lugar kung saan walang kotse, traysikel, trolley, o snowmobile ang makaka-access. Ang naisusuot na backpack na ito ay may isang camera system sa itaas, at nagbibigay-daan sa amin ang pagiging madaling dalhin nito na mangalap ng mga larawan habang kumikilos sa masisikip at makikitid na espasyo o lokasyong maa-access lang sa pamamagitan ng paglalakad. Kinunan ang aming unang koleksyon gamit ang teknolohiya ng camera na ito sa kahabaan ng lubak-lubak at mabatong terrain ng Grand Canyon sa Arizona.
-
Trolley ng Street View
Nang maisip ng isang grupo ng mga Googler na mahilig sa sining na dalhin ang teknolohiya ng Street View sa mga museo sa buong mundo, kinailangan naming bumuo ng isang sistemang madaling magkakasya sa mga pinto ng museo at makakapag-navigate sa paligid ng mga iskultura. Napagkasya ng unang pagsubok sa loob ng gusali na ito ang lahat ng kinakailangang kagamitan sa isang mas maliit na frame: isang push-cart na may naka-mount na camera system na tinatawag na Trolley. Hindi lang ito nakakolekta ng mga view mula sa loob ng mga museo, ngunit pati na rin ng iba pang lokasyon sa loob ng gusali gaya ng White House at mga sports stadium.
-
Snowmobile ng Street View
Ang isa pang lugar na naisip naming masayang pagdalhan ng mga camera ng Street View ay ang mga slope. Sa loob ng ilang weekend, gamit ang ilang 2x4, duct tape, at dagdag na mga hard drive na nakabalot sa mga ski jacket para makayanan ang mga nagyeyelong kundisyon, matagumpay na na-mount ng team ang equipment ng Street View sa isang snowmobile. Maaari na ngayong i-explore ng mga skier, snowboarder, at snowshoer ang Whistler Blackcomb Mountain at ang maburol na terrain na natatakpan ng yelo na pinaghahati-hatian ng mga nakapaligid na resort.
-
Three-Wheeler ng Street View
Para sa mga lungsod na may maliliit na kalye, kinailangan naming mag-isip ng sasakyang sapat ang lakas para makayanan ang trekker ng Street View. Para maabot ang ilan sa makikitid na iskinita, nalaman ng aming team na mahusay na solusyon ang motorsiklong Selis Robin sa Indonesia. Kilalanin ang three-wheeler ng Street View. Partikular na bumuo ng karagdagang mast para sa sasakyang ito para magbigay ng karagdagang stability para sa trekker ng Street View.